Meralco, may sapat ng suplay ng kuryente, sa kabila ng rotating brownouts

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nakakuha ang power distributor ng 90% ng kanilang requirements mula sa bilateral contracts, habang 10% ay mula sa Wholesale Electricity Spot Market.

Tiniyak ng Manila Electric Co. (Meralco) na may sapat silang suplay ng kuryente na pasok sa electricity requirements ng kanilang franchise area sa kabila ng rotating brownouts na nagresulta ng unplanned power plant outages noong nakaraang linggo.

Sa gitna naman ng rotating brownouts na naranasan noong nakaraang linggo, sinabi ni Zaldarriaga na apektado ang kanilang franchise area dahil ito ay bahagi ng Luzon grid, na isinailalim sa sunod-sunod na Red at Yellow alerts dahil sa outages sa ilang power plants.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Meralco president at CEO Ray Espinosa na sa oras na makaapekto ang kakulangan ng suplay sa buong Luzon grid, mapipilitan ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na gawin ang manual load dropping o rotational brownouts para mapanatili ang integrity ng system. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.