Meralco, nakamit ang unang panalo sa semifinals kontra Magnolia; 91-86

Napigilan ng Meralco ang late run ng Magnolia upang ma-secure ang kanilang unang panalo sa score na 91-86, sa best-of-seven semifinals ng PBA Philippine Cup.

Nanguna si Chris Newsome sa panig ng Bolts sa kaniyang 17 points, kabilang na ang dagger shot nito sa huling anim na segundo.

Nagdagdag naman si Jerome Pinto ng 16 points habang umiskor naman si Mac Belo ng 14 sa kanilang pagpapabagsak sa Hotshots na pinangunahan ni Paul Lee.

Mababatid na naging matagumpay ang Meralco sa kabila ng pagliban ng ilang key players nito dahil sa injury kabilang na sina Raymond Almazan, Trevis Jackson at Jammer Jamito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *