Meralco, positibong bababa ang electricity rate sa Agosto

Umaasa ang Meralco na posibleng bumaba ang presyo ng kuryente sa buwan ng Agosto dahil sa murang generation costs, at lumalakas din ang halaga ng piso.

Nitong Hulyo, binawasan ng power distributor ang household rate ng P0.7213 per kilowatt-hour mula sa P11.9112/kWh dahil sa pagbaba ng transmission at generation charges.

Ito’y katumbas ng P144 na bawas sa total electricity bill ng residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh.

Ayon sa abiso ng electric company, mas mababa ang suplay ng demand ng kuryente nitong nakaraang buwan kaya’t mababa rin ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) prices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *