Mercedes native rower na si Melcah Jen Caballero at mga kasama nito susubukang makakuha ng Olympics slot

CAMARINES NORTE- Magsisimula na ngayong araw ang pakikipagsapalaran ni Melcha Jen Caballero, ang rower na tubong Mercedes, Camarines Norte at apat pang kasama nito sa Philippine Rowing Team para sa ilang event na magsisilbing tulay sa posibilidad na makapasok sa Tokyo Olympics.

Ang labanan para sa Asia and Oceania Olympic qualifiers ay magsisimula ngayong araw, May 5  hanggang May 7 na gaganapin sa Sea Forest Waterway sa Tokyo Bay, ang mismong venue ng Tokyo Olympics rowing competitions.

Susubukan ng tambalang Caballero at Joanie Delgaco na masungkit ang isa sa tatlong Olympic slots na nakataya sa kanilang division.

Sina Caballero at Delgaco ay gold medalist sa women’s lightweight double sculls event noong 2019 Southeast Asian Games.

Namalagi at nagsanay ang Philippine National rowing team sa La Mesa Dam na isang ligtas na lugar dahil bawal pumasok  sa water reservoir at parke nito ang mga outsiders.

Si Caballero, na nanalo na sa iba’t- ibang international competition ay lumaki at nagtapos ng kaniyang Basic Education sa lalawigan ng Camarines Norte.

Maliban sa pagiging atleta isa rin siyang military frontliners dahil miyembro ito ng Philippine Navy.

Sa tuwing mapapalaban sa international arena, ay palaging sinasandalan ng dalaga ang panalangin at suporta ng kaniyang mga kaanak at kababayan mula sa bayan ng Mercedes.

Noong Enero, pinag reynahan ng dalaga ang 500-meter lightweight category ng Asian Continental Qualifier event matapos talunin ang mga rowers mula sa Kuwait at Thailand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *