Merkel, naturukan ng Moderna para sa 2nd dose, matapos niya makatanggap ng AstraZeneca para sa 1st dose

Naturukan ng Moderna COVID-19 vaccine si German Chancellor Angela Merkel para sa kaniyang ikalawang shot, kahit AstraZeneca ang unang dose na kaniyang natanggap.

Nabakunahan ng first dose ng AstraZeneca ang 66-anyos na lider noong Abril, o mahigit dalawang linggo matapos irekomenda ng mga otoridad sa Germany na magamit lamang ang bakuna para sa mga tao na edad 60-pataas.

Mababatid na milyon-milyong doses na ng AstraZeneca vaccine ang ligtas na na-adminsiter sa Europe, ngunit patuloy pa rin ito pinangangambahan ng publiko matapos mapaulat na nagdudulot ito ng rare type ng blod clot sa maliit na bilang ng recipients.

Ibig sabihin ay meron ilang mga tao na pasok sa early priority groups dahil sa kanilang edad at pre-existing health conditions, ang hindi muna nagpabakuna, habang hinihintay ang iba pang brand.

Samantala, matapos ang paputol-putol na simula ng vaccination roll-out ng Germany, ay bumilis na ito sa mga nakalipas na linggo.

Base sa ulat ng ilang news agencies, ay nabakunahan na ang 51.2-percent ng populasyon ng Germany ng first dose ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *