Message in a bottle nakatanggap ng reply matapos ang isang dekada

Hindi akalain ng isang babaeng Polish na makakatanggap siya ng reply sampong taon matapos na ipaanod ang message in a bottle sa Gulf ng Finland.

Ayon kay Natalia Kunowska, taong 2011, estudyante pa siya noon sa Krakow’s AGH University of Science and Technology nang bumisita siya sa St. Petersburg bilang bahagi ng international student exchange.

I was with my friend at the beach and we came up with the idea to write a letter and throw it into the water,” ani Kunowska sa kanyang Facebook post.

Inilagay niya umano dito ang kanyang contact information at isang 10-ruble note sa pag-asang makakatanggap ng tugon mula sa makakakuha sa bote pagdating ng araw.

Nitong nakaraang linggo lamang ay natanggap na ni Kunowska ang reply mula sa nakapulot sa bote na si Maksim. Nakuha umano nito ang bote sa isang isla.

Bilang tugon ay ipinaadala ni Maxim sa kanya ang larawan ng bote kasabay ng tanong kung natatandaan niya pa ito.

Sa kanilang pag-uusap ay napag-alaman ni Kunowska na isang ecologist si Maksim kung kaya humingi ito ng paumanhin sa kanyang ginawang pagkakalat sa dagat pero wala naman umano ito para kay Maksim.

Makikita sa facebook post ni Kunowska ang larawan ng bote at panghuling mensahe na, “If the intention is strong and honest, the universe will always work , at P.S. Don’t put trash in the sea and don’t change your phone number too frequently o:)”. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *