Metro Manila at 72 iba pang lugar sa bansa, mananatili sa COVID-19 Alert Level 1

Inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagong COVID-19 Alert Level System o ALS na gagawing classification para sa mga Lalawigan, mga highly urbanized cities, at mga independent component cities sa bansa.

Sa ilalim ng bagong inisyung ALS classifications – 89 mula sa 121 na mga ‘provinces, highly urbanized cities, at independent component cities’; at 192 mula sa 669 na mga ‘other component cities and municipalities’ ang mananatili sa pinakamaluwag na Alert Level 1.

Kabilang na rito ang Metro Manila at 72 iba pa.

Samantala, 32 namang mga Lalawigan ang mananatili sa Alert Level 2.

Sa ilalim nito, hindi pa rin papayagan ang full capacity sa mga indoor areas.

Kasama sa mga nasa ilalim ng Alert Level 2 ang mga sumusunod:

-Benguet

-Ifugao

-Quezon Province

-Palawan

-Camarines Norte

-Masbate

-Antique

-Negros Occidental

-Bohol

-Cebu Province

-Negros Oriental

-Leyte

-Northern Samar

-Western Samar

-Isabela City (Basilan)

-Zamboanga Del Sur

-Zamboanga Sibugay

-Lanao del Norte

-buong Davao Region maliban sa Davao Oriental at Davao City

-North Cotabato

-Sarangani

-Sultan Kudarat

-Dinagat Islands

-Surigao del Norte at

-buong BARMM maliban lamang sa Cotabato City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *