Mga abogado ni De Lima, naghain ng mga kasong kriminal laban sa ilang witnesses sa drug case

Naghain ang nakakulong na si Senator Leila de Lima at ang mga abogado nito ng mga kasong kriminal laban sa murder convict na nagdadawit sa kanya sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa reklamong inihain sa Munitinlupa City Prosecutor’s Office ay sinabi ni De Lima na dapat ay ma-indict si Joel Capones dahil sa conspiracy to commit illegal drug trading.

Sinabi sa reklamo na inamin ni Capones sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 noong Pebrero na sangkot ito at ang iba pang mga miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang kabilang na ang isang Ferdie Morellos, isang Reynaldo Punga at isang Anton Miya, sa pagbebenta ng ilegal na droga kapalit ng pera at benepisyo sa loob ng piitan.

Bukod sa mga nabanggit na pangalan ay meron pang 10 iba pang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang ang naisama sa reklamo.

Kung maalala ay nag-testify si Capones na tumanggap umano si De Lima ng P1.4-million na halaga ng drug money nang bumisita ito sa NBP noong 2014.

Kinontra naman ng senadora ang application ni Capones para sa parole o executive clemency, kung saan ay nabanggit ang confession nito kaugnay sa partisipasyon niya sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng NBP.

Kasalukuyang naka-detain ngayon si Capones sa isang pasilidad sa Philippine Marines sa Taguig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published.