Local News

Mga aktibidad sa paglunsad ng model farm sa Echague, Isabela, pinagpaplanuhan na

Pinagpaplanuhan na ng National Irrigation Administration, MARIIS Head office katuwang ang LGU, DA-Cagayan Valley at Isabela State University-System ang mga aktibidades na isasagawa sa nalalapit na pagpapatayo ng model farm sa Echague, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay NIA MARIIS Institutional Development Section Acting Head Veronica Aron, pirmado na ng NIA-MARIIS HO, DA at ISU-System ang Memorandum of Agreement sa paggawa ng Model Farm.

Aniya, ang naturang proyekto ay inisyatibo ng NIA MARIIS at NIA Central Office na pinondohan ng 1 milyon habang tinitignan pa ang maaring collaboration ng DA at ISU para sa operating expenses.

Kaugnay dito, base sa isinagawang evaluation ang napiling Irrigators Association na mangangalaga sa nasabing model farm na may lawak na 400 sq. meters na ipapatayo sa Echague ay mula sa NIA MARIIS Division 1 Santiago City.

Layunin ng nasabing model farm ang pagpapatayo ng greenhouse at paggamit ng drip irrigation technology upang mashowcase ang pag-aani ng mga magsasaka ng iba’t-ibang uri ng pananim bukod sa palay at mais maging ang paggamit ng tamang teknolohiya para sa masaganang ani.

Sa ngayon aniya ay natapos na ang pagsusuri sa mga lugar na pagpapatuyan ng model farm, nakabuo na rin umano ng committee na tututok sa proyekto at pagpaplano ng design ng greenhouse.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

18 hours ago