Mga ama sa isang barangay sa Naga, isinailalim sa family planning seminar

NAGA CITY – Patuloy na nadagdagan ang populasyon sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City kaya may Family Planning Training / Seminar na isinasagawa para sa mga padre de pamilya ang barangay council katuwang ang Population Commission.

Sa pinakahuling datus ng Philippine Statistics Authority na inilabas sa pamamagitan ng   Population 2020 Census of Population and Housing lumabas na ang Concepcion Pequeña ang nananatiling number 1 sa buong Bicol Region kung populasyon din lang ang pag-uusapan.

Lumabas sa naturang census na nasa 25,139 ang populasyon nito noong taong 2020 at ngayong 2023 mas tumaas pa ito.

Kinumpirma mismo ito ni Punong Barangay Jewelin “wewen” Regmalos sa naging pahayag niya sa Brigada News FM Naga na natatawa na lamang kung isyu sa populasyon ang pag-uusapan.

Ayon kay Regmalos, hindi nila kayang pigilan ang pagdami ng populasyon sa barangay nila subalit may mga programa silang ginagawa para makontrol ito.

Bukod sa Concepcion Pequeña napasama rin sa maraming populasyon sa Bicol ay ang San Felipe, Cararayan at Pacol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *