Mga amang walang trabaho, hindi pipiliting magsustento sa proposed Fixed Paternal Child Support Bill

Nakatakdang magsagawa ng Committee hearing sa kongreso para tuluyang maplantsa ang House Bill 8987 o Fixed Paternal Child Support na layung magkaroon ng sapat na suporta ang bata o mga anak na inabandona ng kanilang Ama.

Sa panayam ng Brigada News FM kay House Deputy Majority Leader ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, sinabi nito na maari pang mabago ang mga nilalaman ng panukalang batas depende sa kalalabasan ng mga susunod na pagdinig dito.

Kung maalala sa kasalukuyan base sa HB 8987, papatawan ng parusang anim hanggang labindalawang taong pagkakakulong at multa mula 100,000 hanggang 300,000 pesos ang sinumang Tatay na hindi magsusustento sa anak.

Dagdag pa ni Cong. Tulfo, hindi naman mapipilit ang isang Ama na magbigay ng suporta kung talagang walang trabaho at kung hindi rin kaya ng kinikita nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *