Mga ambulant vendors sa Naga City magtinda bawal sa mga plasa ngayong kasagsagan ng peñafrancia fiesta celebrations; security personnel ng ncpm sinisita ang ilang violators 

NAGA CITY – Sinisita ang mga ambulant vendors na nagpu-puwesto para magtinda sa alinmang plasa sa Naga City, ngayong kasagsagan ng mga aktibidad at programa para sa Peñafrancia Fiesta Celebration.

Bawal kasi ang magtinda sa mga plasa sa lungsod batay sa City Ordinance, subalit napapagbigyan naman ang mga ito kung ordinaryong araw lamang.

Ngayon aniya, mahigpit nila itong ipagbabawal.

Kanina, nag-ikot sa mga plasa ang mga personahe ng Naga City Police Office, Public Safety Office at ng security personnel ng Naga City Peoples Mall.

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Elmer Pitallano, ang Chief Security ng NCPM at sinabi niyang kailangan nila itong ipatupad ngayon, pinakikiusapan ang mga ambulant vendors na lumayo sa plasa.

Kung ayaw umalis hinahatak nila ang mga kariton o inaalis ang mga paninda at inaalalayan palabas ng plasa.

Puwede aniya sa paligid ng plasa at huwag sa loob dahil pasyalan ito ng mga tao.                   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *