Mga anak ng magsasaka ng niyog na mabibigyan ng scholarship program kailangan bumalik sa pagsasaka –PCA Bicol

LEGAZPI CITY – Inilalaban ngayon ng Philippine Coconut Authority (PCA) Bicol na madagdagan ang bilang ng mga magsasaka ng niyog sa Bicol Region dahil sa kokonti na lang ang mga ito.

Ayon kay Regional Manager Bong Zipagan ng nasabing tanggapan, ang mga mabibigyan ng scholarship program ng PCA ay kailangan bumalik sa kanilang pagsasaka ng niyog.

Aniya ito na lang kasi ang tanging paraan upang hindi maglaho o mawala ang magsasaka ng niyog sa bansa na magbigay ng schoolarship sa mga anak.

Binigyan diin nito, maling mali ang pagsasabi ng mga magulang o lolat lolo na sabibin sa mga apo o anak na wag ng gumaya sa kanikang nararanasan dahil maghihirap lamang ito.

Kung sa totoosin umano ang buhay ng magsasaka ng niyog ay mas madali kumita ng pera ang buhay ng isang pagsasaka ng niyog kaysa ikaw ay namamasukan bilang empleyado.

Layunin ng programang ito ay paramihin ang bilang ngayon ng mga magsasaka ng niyog sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.