Mga APOR mula sa mga ahensiya ng gobyerno na pupunta sa Catanduanes, hindi na kailangan pang mag rehistro sa S-PASS system

BICOL—Simula ngayong araw ng Lunes, Hunyo 21 ay hindi na kinakailangan pang mag rehistro ng mga APOR mula sa National Government Agencies sa S-Pass system na kasalukuyang pinaiiral sa probinsya ng Catanduanes.

Iyan ay batay sa ibinabang amendment ni Gov. Joseph Cua sa Executive Order No. 024-A, kaugnay ng pagpapahintulot sa point to point travel mula NCR patungo sa islang lalawigan.

Nakasaad sa naturang kautusan na ang exemption ng mga NGA-APOR sa pagrerehistro sa S-Pass, ay bilang pagtalima sa inilabas na resolusyon ng National IATF kung saad nakasaad na tanging travel or mission order at ID lamang ang kailangang ipakita ng mga ito.

Ganunpaman, binigyang diin pa rin sa ibinabang amendment ng gobernador, na tanging ang mga indibidwal lamang mula sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MCGQ quarantine classifications ang pinahihintulutang makapag biyahe habang ang mga APOR at essential travelers lamang ang pinahihintulutang makapasok sa lalawigan na nagmula naman sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ.

Ang mga LSI, ROF at APOR na hindi affiliated sa anumang ahensya ng pamahalaan ay kinakailangan pa ring mag rehistro sa S-Pass, mag presenta ng mga kaukulang dokumento gaya ng negatibong RT-PCR test result; Company ID at iba pa, upang mabigyan ng Travel Coordination Permit.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *