CAMARINES SUR-Isang dekada na ang nakararaan mula nang manalasa ang isa sa pinakamapaminsalang bagyo sa buong mundo; Supertyphoon Yolanda.
Sariwa pa sa mga nakaligtas ang hagupit ng Yolanda , ang pinsala at ang sakit ang pagpanaw ng mahigit 6, 300 sa Samar at Leyte.
Ang mga aral sa nasabing kalamidad ay nananatili sa mga lectures ng Disaster Risk Reduction and Management Office. Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Pasacao DRRM Officer Edmer Miravalles, marami silang natutuhan sa pangyayari at iyon ay lagi rin nilang ipinapaalam sa publiko lalo na mga nasa high risk areas.
Sa ngayon aniyang may mga bagong halal na opisyal ng barangay nagkakaroon ng refresher course o DRRM 101 upang batid nila ang papel kapag may sama ng panahon. Mahalaga ayon sa MDRRO ang kahandaan upang hindi ma-Yolanda.