Mga armadong grupo muling inabisuhang sumuko na sa pamahalaan ngayong nalalapit na pasko

NAGA CITY – Papalapit na naman ang Pasko kaya gayun na lamang ang muling panawagan ng pamahalaan na magsisuko na ang mga armadong grupo, para makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Disyembre

Ang liderato ng 9th Infantry Division Phil Army diyan sa Camp Elias Angeles ang kabilang sa muling nananawagan at nagpapaalala sa mga armadong grupo na magsikuko na at tanggapin ang mga benipisyong iniaalok ng pamahalaan.

Sa pagharap sa media at sa Brigada News Fm Naga ni Major General Alex Luna, commanding general ng 9th ID, Phil. Army sinabi nitong naghihintay ang kanyang pamunuan sa sinumang rebeldeng nais na sumuko.

Kasabay nito ay ang muling pagpaliwanag niya sa ECLIP o ang Enhance Comprehensive Local Integration Program na may mga kaakibat na mga benipisyo tulad ng financial assistance, livelihood program at iba pa.

May katapat ding halaga ang baril na isusuko ng mga ito.

Ang programang ito ay tinatamasa na ng mga naunang rebeldeng nagsisuko na mula sa ibang lalawigan ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *