MGA ASOSASYON SA REHIYON DOS, NABIGYAN NG 700 BAGONG BREED NG MANOK

Kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 na mayroon nang 700 na bagong breed ng manok ang ipinamahagi sa mga asosasyong may kakayahang mag-alaga dito.

Una nang inihayag ni Asst. Regional Livestock Focal Person Ferdinand Arquero ang pagpapakilala sa bagong breed ng manok sa rehiyon.

Aniya, limang taon umano nilang pinag-aralan ang dalawang breed ng manok na dados black kung saan ito ay mula sa 4 crossway breed n amabilis lumaki.

Ang isa naman ay ang dados barred kung saan ito ay 3 wat cross breeding at kumpara sa native na manok ay mas mabilis umano itong mangitlog.

Bukod dito ay matibay umano ang mga bagong breed ng manok sa heat stress at sakit at hindi na kinakailangan pa ng incubator sa pagpapalaki ng mga ito.

Ito umano ay hakbang ng ahensya upang magkaroon ng sariling breed ng manok ang Lambak ng Cagayan at mapalakas pa ang livestock industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *