Mga awtoridad, hindi inirerekomendang itaas sa red category ang Masbate City

Kumpiyansa ang mga awtoridad na mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Masbate City sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kaya naman hindi inirerekomenda ng Philippine National Polcie na itaas sa red category ang lungsod sa kabila ng magkasunod na insidente ng karahasan sa mga tatakbong bgy officials.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, tukoy na ang CTG na nasa likod ng insidente at patuloy ang pagtugis sa kanila ng mga otoridad.

Maaalalang, kamakailan ay napatay ang isang kandidato sa pagka brgy councilor habang sugatan naman ang incumbent Barangay Chairman sa Brgy. Maingaran, Masbate matapos ang insidente nang pamamaril.

Nito naman nakalipas na araw, 1 din ang patay habang 2 ang sugatan sa Barangay Cabangcalan, Placer, Masbate matapos tambangan ng mga rebelde ang tumatakbong Brgy kapitan na napag alamang dati ring kasapi ng communist terrorist group.

Sabi ni Fajardo, tukoy na ang CTG na nasa likod ng insidente at patuloy ang pagtugis sa kanila ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *