Mga awtoridad nanawagan ng tulong para sa mahigit 12k katao na nawalan ng tirahan sa sunog sa Rohingya camp sa Bangladesh

Nanawagan na ng tulong ang mga awtoridad sa mga international at local humanitarian organizations upang makapagbigay ng pagkain at pansamantalang matutuluyan ng mga naapektuhan ng malaking sunog sa Rohingya refugee camp sa Bangladesh.

Tinatayang nasa 12, 000 katao ang nawalan ng tirahan sa insidente.

Bukod sa mga bahay, siyamnapung pasilidad pkabilang ang mga ospital at learning centers ang nadamay sa nasunog.

Ayon sa local police, wala pang naiulat na nasawi sa insidente at patuloy pang tinutukoy ang sanhi ng sunog.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *