Mga baboy na ilalabas ng Camarines Norte kinakailangang magpakita ng kaukulang dokumento

CAMARINES NORTE- Binigyang diin ng Provincial Veterinary Office ng Camarines Norte na ang lahat ng mga baboy na ilalabas ng probinsya ay kinakailangang may kaakibat na mga kaukulang dokumento

Ayon kay Dr. Ronald Diezmo, Provincial Veterinary Officer at Incident Commander for ASF , bagamat wala ng naitatalang kaso ng ASF sa mga nakalipas na buwan sa Camarines Norte, ang mga ilalabas na baboy sa probinsya ay kailangang may kaakibat na Animal Inspector Certificate, Veterinary Certificate at Shipping Permit

Layon anya nito na masigurong ligtas at walang sakit ang anumang baboy na ilalabas sa probinsya

Sa ngayon ay sinimulan na ang pangalawang environmental sampling sa bayan ng Sta. Elena habang hinihintay na rin ang resulta ng environmental samples mula sa mga bayan ng San Vicente, Labo, Daet, Basud at Talisay na ipinadala sa Dept of Agriculture Regional Animal Disease and Diagnostic Laboratory

Habang ipapadala naman ngayong linggo ang mga nanggaling sa bayan ng Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, Daet at Sabang sa Vinzons

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *