Luzon

Mga badjao at street families sa Tabaco City, pinaplanong mabigyan ng interbesyon ng CSWDO

LEGAZPI CITY – Hindi lamang ang lungsod ng Legazpi ang mayroong mga badjao at street families, kundi pati na rin ang Tabaco City.

Ito ang inihayag ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head, Mariz Villanueva sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Villanueva, pinaplano ngayon ng lokal na pamahalaan at ng kanilang tanggapan na mabigyan ng interbensyon ang mga badjao o street families tulad ng livelihood assistance o livelihood training upang tulungan ang mga ito sa kanilang pamumuhay.

Mapapansin kasi umano na maging ang mga sanggol ay ginagamit sa panlilimos sa kalsada upang sila ay kaawaan at bigyan ng pera.

Aniya, para sa mga badjao, ang panlilimos ay isang trabaho.

Subalit, hindi aniya ito tama sapagkat malinaw nitong nilalabag ang Anti-Mendicancy Law, kung saan nakasaad na ang pagbibigay-limos sa kanila ay umaambag sa lalong pagdami ng mga mamamalimos sa kalsada sa buong bansa.

Sinabi niya, sakali man na makapagbuo na ang tanggpan ng task force ay maaari na nilang simulan ang interbensyon upang matulungan ang mga ito.

Nilinaw din ni Villanueva na hindi pa naman alarming sa ngayon ang isyung ito, ngunit kapag hindi ito bibigyang-pansin ay maaaring dumami ang bilang ng mga namamalimos sa kalsada.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago