Mga badjao na gumagala sa lunsod ng Legazpi, hindi dapat pansinin – CSWDO

Aminado ang Legazpi City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na tuwing napapalapit ang Christmas season ay marami dumarami rin ang mga gumagalang Badjao sa nasabing lunsod.

Ayon kay Cecilia Arcilla, assistant department head ng nasabing opisina, nananawagan sila ngayon sa mga Legazpeño na huwag nang pansinin ang mga gumagalang mga badjao.

Aniya, mababait at mapagmagmahal ang mga Legazpeño, kung kaya’t tuwing napapalapit ang Pasko ay namimigay ang mga ito ng pera sa ilang mga residente ng Legazpi.

Umaasa rin ang opisina na sana’y hindi ito makapanakit ng tao sa mga hinihingian na tulong tulad ng mga pampublikong sasakyan partikular na sa mga jeepney. Sinabi ng opisyal, patuloy din naman ang kanilang pagmo-monitor sa mga badjao, kung saan may mga comprehensive program ding ibinibigay katuwang ang DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *