Mga bakunadong essential workers sa Virac, Catanduanes makakatanggap ng bisekleta at P25,000 na halaga ng equipment tools mula sa Bikecination Program ng DOLE

BNFM BICOL—Inihayag ni DOLE-Catanduanes Provincial Field Officer – Rosemarie Cleofe, na nakatakdang mamahagi ang naturang ahensya ng bisekleta at iba pang mga kagamitan sa sampung maswerteng piling indibidwal mula sa A4 Category sa Catanduanes na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito ay kaugnay ng programang BikeCination ng DOLE na may layuning mapalakas ang vaccination drive ng pamahalaan at mabigyan na rin ng karagdagang ayuda ang mga residente sa isla na kabilang sa A4 Category na kinabibilangan ng mga trabahador; mga nagtitinda sa palengke; mga indigenous people at maging ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Bukod sa bisekleta, tatanggap rin ang mga mapipiling benepisyaryo ng equipment tools para sa delivery at vending business,  protective helmet, reflective vest, bike rack, mobile phones, load wallet at iba pa, na may kabuuang halagang P25,000. Bukod pa dito ang ibibigay na insurance mula sa GSIS at iba pang trainings.

Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon ay tanging sa bayan lamang ng Virac pipili ang DOLE ng mga benepisyaryo dahil ito lamang ang bayan sa lalawigan na nakapasa sa mga hininging requirements ng ahensya para sa naturang programa.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *