NAGA CITY- Inihahanda na ang mga mahigit 300 ballot boxes na gagamitin sa Sangunian Kabataan at Barangay Elections sa Naga City.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Commission on Elections Officer Atty. Mico Julia Jr , sa ngayon ang Treasurers Office ang nangangalaga nito. Tinitinggan na kung kompleto ang bilang at maayos ang kondisyon upang hindi magkaproblema kapag inilatag na sa mga voting precincts.
Ilang buwan bago ang Halalan sa Oktubre, sinabi ni Julia na 90% nang handa nag kanilang tanggapan ang natitirang 10% ay ang mga ibababang voting paraphernalia.
Ang mga kakandidato naman kumukuha na ng form sa COMELEC Office bago pa man ang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy sa Aug. 28.