Mga banko, papayagan nang tumanggap ng ePhilIDs para sa mga bank transactions

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang digital version ng Philippine Identification, o ang ePhilIDs, ay magagamit na ngayon para sa financial transactions gaya ng pagbubukas ng bank accounts.

Ayon sa PSA, papayagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-gamit at pagtanggap ng ePhilID bilang sapat nang proof of identity sa kanilang supervised banks at non-bank financial institutions.

Maliban dito, naglabas din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at advisories para sa pagtanggap ng ePhilID bilang valid proof ng identity, kabilang na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Ang ePhilID ay tatanggapin din ng Department of Foreign Affairs (DFA) bilang accredited government-issued valid ID para sa pagproseso ng pasaporte, na kinabibilangan ng passport application at renewal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *