Mga baril, bala at pampasabog narekober ng PNP sa Ragay, Camarines Sur

NAGA CITY- Ibaโ€™t-ibang unit ng baril, mga bala at pampasabog sa bulubunduking parte ng Ragay Camarines Sur kahapon, ang narekober sa isinagawang operasyon na pinangunahan ng Police Mobile Force Company ng Camarines Sur Police Provincial Office katuwang ang Philippine Army.

Kabilang sa mga narekober ang apat na M16 riffles, tatlong Bushmaster, isang 1 Colt AR15 na lahat ay defaced na ang serial numbers; isang M14 rifle, labing anim na IED; dalawang aluminum long magazine para sa M16 rifle; isang long magazine para sa M16 rifle; 160 pirasong mga bala para sa cal. 5.56 A2 M16 rifle; isang buffer tube pati unserviceable na handheld radio.

Ayon kay PMaj. Maria Victoria Abalaing ang tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang mga armas ay kumpirmadong pagmamay-ari ng Communist Terrorists Group o CTG dahil na rin sa mga report na ipinaabot sa PPO-Camarines Sur.

Ayon kay PNP Regional Director PBGEN RUDOPLH B DIMAS, malaking tulong ang pagkakadiskobre ng mga armas upang mapigilan ang plano ng mga rebelde na gumawa ng mga pag-atake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *