Mga barko ng tsina na umaaligid sa Pag-asa Island, nabawasan ayon sa isang mangingisda

Konti na lang umano ang barko ng Tsina sa paligid ng Pag-asa Island ngayon kumpara nitong mga nakaraan.

Mas naging kampante ngayong ang mga lokal na mangingisda para ituloy ang kanilang pamumuhay sa teritoryo ng Pilipinas.

Nitong Huwebes  ay nakuhanan ng video ng mangingisdang si Larry Hugo ang palibot ng sandbar at bahura kung saan nasa lima (5) na lamang ang Chinese vessel na dati ay umaabot sa tatlumpo (30).

Samantala, una nang tiniyak ng Philippine Coast Guard na prayoridad nila ang pag-protekta sa teritoryo ng bansa lalo sa mga mangingisda sa lugar na sakop ng West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *