Mga batang 5 y/o pataas, pinayagan nang lumabas sa GCQ, MGCQ areas

Pinayagan na ng gobyerno ang mga batang limang taong gulang pataas na lumabas ng bahay sa ilang mga lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang announcement, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang polisiyang ito ay ipatutupad sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Gayunman, di covered ng bagong guidelines ang mga nasa lugar na nakasailalim sa GCQ with heightened restrictions na Laguna at Cavite.

Sinabi ni Roque na pwedeng pumunta ang mga batang ito sa park, playground, outdoor tourism areas, at biking, at hiking trails basta’t may kasama silang adult.

Pinayagan na rin sila ng gobyerno na sumali sa mga non-contact sports.

Pero, di pa rin tatanggap ang mga malls ng mas mababa pa sa 15 taong gulang ang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *