Ikinababahala ng Commission on Population o PopCom ang pagbaba ng edad ng mga nabubuntis sa bansa.
Sa Demographic and Health Survey kasi ng PopCom, nakita na ang pinakabatang nabubuntis sa bansa ay nasa 10-14 years old.
Ayon kay Dra. Lisa Grace Bersales ang Executive Director ng PopCom, karamihan anya sa mga ito ay naitatala sa mga munisipyo at probinsya.
Bagaman maituturing pa rin anya itong βrare eventβ, tiniyak pa rin ng ahensya na tututukan nila ang ganitong uri ng kaso.
Kaya laking pasalamat ng PopCom sa hangarin ng Department of Education na isulong ang Comprehensive Sexuality Education sa mga eskwelahan.
#