Mga batang nabakunahan kontra Measles at Rubella sa Camarines Norte nasa 65. 44 % pa lang

CAMARINES NORTE- Umaabot  pa lang sa 42, 692 o 65. 44 % na mga bata sa Camarines Norte ang nakatanggap ng bakuna kontra Measles at Rubella sa nalalabing siyam na araw ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023.

Batay ito sa Partial and Unofficial Quick Count ng Department of Health Bicol hanggang May 22, 2023.

Target ng lalawigan na maabot ang 95 % o 61, 980 sa ika- apat na linggo ng bakunahan.

Mayroong 65, 242 mga bata edad 9- 59 months old ang projected population sa lalawigan.

Sa ngayon nangunguna ang Jose Panganiban pagdating sa accomplishment sa MR na na nasa 79. 99 %.

Sinusundan naman ito ng Basud na may 68. 46 %, Vinzons 67. 35 % habang pasok din sa top 5 ang Labo na may 67. 09 % at San Vicente na may 66. 69 %.

Nakapagbakuna naman ang Paracale ng 65. 40 %, Mercedes, 63. 49 %, Talisay 62. 56 %, Daet 61. 13 %, Capalonga 57. 47 %, San Lorenzo Ruiz 57. 01 % at Sta Elena na may 56. 29 %.

Nasa 22, 550 naman ang nananatiling unvaccinated at may naitalang 742 deferred at 53 naman ang refusal.

Sa buong Bicol, nasa 71 % pa lang ang accomplishment o kapus sa target na 90 % para sa ikatlong linggo nitong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *