Mga batang naglalaro at namamalimos sa mga malls sa Naga City dumarami nanaman – CSWDO

NAGA CITY – Dumarami na naman ngayon ang mga batang naglalaro at namamalimos sa labas at loob ng mga malls sa Naga City.

Hindi pa nakukuntento ang mga bata, nakikipaghabulan pa sa mga sasakyan na mapanganib na masyado.

Ayon ito kay Annabelle Vargas, ang head ng City Social Welfare and Development Office, batay na rin sa nakakarating na ulat sa kanila, na agad naman nilang pinupuntahan para ma rescue ang mga makukulit na bata.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Vargas, sinabi nitong ang mga namhuhuli nilang mga bata ay agad na dinadala sa kanilang opisina at ipinatatawag ang mga magulang na ang iba ay mga pabaya.

Hinahayaan aniya ng ibang mga magulang na ganito ang sistema ng mga anak nila dahil nagkakapera ang mga ito at tipid pa sa pagkain sa bahay nila, ayon na rin sa ilang mga magulang na kanilang nakakausap.

Panawagan ni Vargas sa mga magulang na huwag kunsintihin ang mga anak nilang maglagalag sa halip bigyan ng oras ang mga ito alagaan para hindi mapahamak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *