CAMARINES NORTE- Ipinaliwanag ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga benepisyong hatid ng paggamit ng Portable Solar o Portasol bilang makabagong pamamaraan ng pagpapatuyo ng palay.
Sa harap ng Farmer’s Association, agrarian reform beneficiaries organizations, academe at potential adaptors ng Portasol dito sa lalawigan ng Camarines Norte, ibinida ng kinatawan ng DOST ang advantage ng pagamit nito.
Kalimitan sa ngayon ay nagbibilad ng palay ang mga magsasaka sa kalsada na bukod sa ipinagbabawal na ng Department of Public Works and Highways lalo na sa national highway ay hindi rin makapagpatuyo kapag maulan.
Kayang magbilad ng 150 kilos ng palay sa Portasol dahil 15 kilo ang laman nito kada tray.
Hindi rin ito maki- espasyo dahil pwede itong patong- patungin.
Una umanong ginamit at nabigyan ng Portasol ang mga benepisyaryo ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Ilocos Region.
Malaking bagay din aniya ito para mabawasan ang moisteure content ng palay at maiwasan ang pagkabulok nito.
Kahapon ay ginawa ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOST Region V, Farmers Associations,SUC,ARBOs/COOP at Potential Adoptors ng Portasol Thermal Drying Trays Technology sa isang event place dito sa Daet.
Ang pagkakaroon ng Portasol Project sa lalawigan ay naisakatuparan din sa pamamagitan ng opisina ni First District Rep. Josefina Tallado.
Hindi nakarating sa MOA Signing ang kinatawan dahil nasa sesyon ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Pero sa isang pahayag sinabi ng mambabatas na ang 630,000 na halaga ng proyekto o “Upgrading the Drying Process ng Palay sa pamamagitan ng Portasol Technology” ay may layuning matulungan ang mga magsasakang mapabuti ang kalidad ng dried palay gayundin ang pag – adopt ng mas “hygienic” na drying process at storage.
Mas mabilis kasing mabulok ang palay kung ito ay nakalagay lang sa sako at nababasa.
Ayon sa DOST, ang Pilipinas ang ika- siyam sa largest producer ng bigas sa mundo o 2. 8 % ng global rice production.
Ang bigas ang itinuturing na “staple food” ng nasa 80 porsiento ng mga pinoy.
