Mga bibili ng essential goods bawal mag-cross border habang ECQ ayon sa PNP

Pagbabawalan ng Philippine National Police ang mga residenteng magcro-cross border para bumili ng pagkain o essential goods simula Agosto 6 hangang a-bente o habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng lungsod sa Metro Manila ay ikokonsiderang ‘tiny bubble’ kung saan hindi papayagang makatawid sa kabilang city kahit pa may quarantine passes.

Nilinaw naman ng heneral na ang mga authorized persons outside residence (APORs) ang papayagan sa borders ng bawat syudad sa NCR.

Nabatid na batay sa inilabas na pahayag ng Malakanyang tanging mga employado at manggagawa sa mga essential manufacturing, establishments, services, at industries ang papayagang makalabas ng kanilang tahanan pagdating ng ECQ.

Ikinokonsidera din bilang APOR ang mga taong may importanteng appointments, ilang bokasyon, at kapag mayroon emergency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *