Mga biktima ng buhawi sa Norala SoCot. umaakyat pa sa 228!

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 228 ang kabuuang apektado ng mga pamilya sa nangyaring buhawi sa Norala, South Cotabato.

Ito ang inihayag Aiza Gabion-Lim, Municipal Disaster Risk Reduction and Management o MDRRMO-Officer ng bayan sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Lim, kinabibilangan ang nasabing datos ng 100 pamilyang apektado mula sa Barangay Simsiman na may walong totally damaged na mga kabahayan, 87 sa Barangay Matapol na may apat na totally damaged, 39 sa Barangay San Jose kag dalawa sa Notre Dame.

Dagdag pa ni Lim, na nakatanggap naman ng agad na tulong ang mga biktima mula sa Provicial Disaster Risk Reduction Office o PDRRM-South Cotabato, Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 at LGU-Norala na kinabibilangan ng food packs, hygiene kits at iba pa.

Ipinasiguro naman ng opisyal ang tulong na sa shelter assistance para sa mga totally damaged na mga kabayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *