Mga boundary markers sa Bicol Region tataggalin-DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Lucy Castañeda ang Regional Spokesperson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office V na ang lahat ng Boundary markers sa Entry and Exit point area sa rehiyon ay gigibain.

Ayon kay Castañeda, tatanggalin ang lahat na mga boundary markers magmula sa mga lalawigan, lungsod hanggang sa mga bayan dahil sa mayroong direktiba ito si Regional Director Virgillio Eduarte ng DPWH.

Aniya, sinunod lamang nito ang kautusan na Department order mula sa Central Office at utos rin ni Pangulong Duterte dahil sa nakaencroahed sa road right of way o road obstruction.

Dahil dito nakikipag-ugnayan na rin ito sa mga Local Government Unit (LGU) na tanggalin ang boundary markers.

Aabot na rin sa humigit kumulang sa 10 munisipyo sa ikatlong distrito ng Masbate ang naalis na boundary markers habang, Camarines Sur. Albay. Sorsogon, Catanduanes at Camarines Norte ay nasa proseso na rin sa pag-alis ng nasabing markers.

Ayon pa sa tanggapan, ang mga inalis na markers ay maglalagay ng standard boundary markers na nakalagay lamang sa gilid ng kalsada kung saan sasagutin ito ng DPWH.

Layunin lamang ng pag-alis ng boundary markers ay maiwasan ang mga aksidente at trapiko sa kalsada.

Sinabi pa ng opisyal, sa kasaysayan ang Bicol Region ang kauna-unahang rehiyon sa bansa ang nagpatupad ng malawakang pagtanggal ng boundary markers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *