NAGA CITY – Ipinatutupad ng mga barangay sa Cabusao, Camarines Sur ang kautusang inilabas ng Departmenf of Agriculture na bawal at iwasang bumili ng buhay na mga baboy sa mga karatig-bayan dahil sa African Swine Fever.
Pinakalayunin nito ay upang huwag ng kumalat pa ang virus kung meron man, tulad ng sa Ragay, Camarines Sur.
Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm Naga kay Biong Barangay Kagawad Lanie Buising Boragay, Chairman ng Committee on Agriculture, sinabi nitong inabisuhan agad sila ng DA hinggil sa ASF kaya nakaalerto na rin sila.
Anya’y ang kanilang barangay ay daanan ng mga biyahero patungo ng Libmanan, at Sipocot, na puwdeng palusutan ng mga hog dealers.
Kung bibili ng buhay na baboy ay sa kanilang lugar lamang, huwag ng galing sa ibang bayan batay sa isa sa mahalagang paalala ng DA, na kanila namang sinusunod.
Sa ngayon, wala na pa naman silang nasisita o nalalamang may nagtangkang lumusot, subalit kung magkaroon man, kanila itong pakikiusapan, sabi pa ni Boragay.