Mga bubuyog, sinasanay na matukoy ang Covid-19 infection

Sinasanay ngayon ng mga Dutch researchers ang mga bubuyog para matukoy ang Covid-19 infections.

Ayon sa report, binibigyan ng mga siyentipiko sa bio-veterinary research laboratory sa Wageningen University ng sugary sample ang mga bubuyog bilang reward matapos na ipakita ang mga sample na infected ng virus.

Hindi naman ang mga ito nakakatanggap ng reward kapag non-infected sample ang pinapaamoy.

Ayon sa mga researchers, ang paglabas ng mga bubuyog ng kanilang ‘straw-like tongues’ para inumin ang sugary water ay kumpirmasyon na positibo sa virus ang sample.

“We collect normal honeybees from a beekeeper and we put the bees in harnesses. Right after presenting a positive sample we also present them with sugar water. And what the bees do is they extend their proboscis to take the sugar water.” Pahayag ni Prof. Wim van der Poel, kasama sa proyekto.

Umaabot ng ilang oras o araw bago makuha ang Covid-19 test result, ngunit sa tulong ng matinding pang-amoy ng bubuyog ay agad-agad itong makukuha. | Reuters/AP| Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *