Mga bulaklak sa Dangwa, inaasahang tataas bago mag-Undas

Inaasahang tataas ang presyo ng mga panindang bulaklak sa Dangwa, Maynila habang papalapit na ang Undas 2023.

Ayon sa mga nagtitinda ng bulaklak, marami nang nag pre-order para sa Undas pero pagdating sa presyuhan posibleng dumoble ito sa huling bahagi ng Oktubre.

Anila, dahil tuwing may okasyon tulad na lamang ng undas at Valentines Day tinataasan ng mga supplier ang benta ng mga bulaklak.

Sa ngayon, ang presyo ng Malaysian Mum’s P150 hanggang P250 ang kada bundle; habang ang local na red rose ay P250 per bundle at ang imported rose naman ay nasa P1k ang kada bundle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *