Mga buntis at mga bata sa Brgy Balogo, benepisyaryo ng ‘End Stunting Now’  advocacy ng Brigada NewsFM Sorsogon

Nabenepisyuhan ng libreng checkup ang nasa 50 mga buntis sa Barangay Balogo, Sorsogon City sa ginanap na launching ng END STUNTING NOW (ESN) advocacy ng Brigada News FM Sorsogon noong Sabado, Enero 21, 2023. 

Katuwang ng Brigada News FM Sorsogon sa nasabing aktinidad ang mga OB-GYNE ng Provincial Health Office na sina Dr. Marilyn L. Amisola, Dr. Sophia Q. Enteria at Dr. Abigail Punzalan at isang pribadong OB-Gyne na si Dr. Janice Lo.

Sa tulong naman ng mga Barangay Health workers, Barangay Nutrition Scholars at BHERTS ay inasistihan ang mga volunteer doctors sa maayos na pagsasagawa ng checkup.

Ginanap ito sa mismong health center ng Barangay Balogo kung saan hindi naging hadlang ang maulang panahon para sa matagumpay na programa.

Ipinagpasalamat naman ng konseho ng Barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Melvin Hainto ang pagkakapili sa kanilang lugar para sa programa na anya ay malaking bagay din para sa kanilang mga mamamayan.

Sa kaugnay na balita, hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng 80 mga bata na benepisyaryo ng nasabing progran sa ginanap na clown show para sa kanila.

Bago ang mismong clown show ay pinakain muna ang mga bata pati ang kanilang mga guardian at binigyan pa ng sariwang gatas mula sa Dairy Farm ng Department of Agriculture.

Pagkatapos nito ay nag enjoy sila sa pakikipagkulitan sa dalawang clown kasabay ng mga palaro at papremyo mula sa Brigada News FM.

Maging ang mga guardian ng mga batang benepisyaryo ay nag enjoy din dahil maging sila ay nakasali sa palaro.

Isang nanay na may kargang bata ang nagpamangha sa mga dumalo sa aktibidad matapos nitong mapanalunan ang isa sa mga highlights ng palaro – ang pahabaan ng pagbigkas ng “Happy Birthday Mam Yelcy” kung saan nabigyan ito ng cash prize.

Bukod kasi sa launching ng aktibidad ngayong araw ay kaarawan din ito ng Vice Chairman ng Brigada Group of Companies na si Mam Yelcy Yasay Catulpos.

Maliban sa mga papremyo ay nabigyan din ng consolation prizes na tig-iisang litro ng organic Buko Juice mula sa Peter Paul Philippines Corporation ang mga hindi pinalad na manalo sa mga palaro.

Ngiti at pasasalamat ang isinukli sa Brigada News FM ng mga bata pati na ng kanilang mga guardian sa ginanap na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *