Pinapayuhan ng Olongapo City Health Office ang mga buntis na magparehistro ng maaga kung nais magpabakuna kontra covid-19.
Maaaring magparehistro sa online o kaya makipag-ugnayan sa mga barangay para maasistehan.
Ayon kay Dra. Louella Aquino, Obstetrician-Gynecologist ng James L. Gordon Memorial Hospital, sa guidelines, maaaring magpabakuna ang mga buntis ng mula 14-weeks o tatlo’t kalahating buwan.
Kailangan lamang walang sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, walang pagdurugo na nararanasan at paghilab ng tiyan.
Kung ang buntis naman ay isang healthcare worker pero nasa dalawang buwan pa lamang nagdadalantao, ito ay isang special case pero dapat ay mayroong rekomendasyon mula sa kanyang ObGyne.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…