Mga dating myembro na umalis sa gobyreno na may naiwang utang hinikayat na mag avail ng condonation program sa GSIS Legazpi Branch

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Government Service Insurance System (GSIS) Legazpi Branch na may alok na condonation program para sa mga dati nitong miyembro, subalit umalis na sa gobyerno pero may naiwang utang sa institusyon.

 Ayon sa tanggapan, ito na ang pagkakataon para maisaayos ang pagkakautang upang hindi na mauwi sa kasuhan. Aniya, kailangan lamang mag-apply, mag-download ng form at isumite ito sa GSIS kalakip ang dalawang valid IDs.

Gayunpaman, kailangan aniyang magmadali ang mga gustong mag-avail ng condonation program sapagkat mayroon na lamang hanggang June 30 para ito maisumite at maiproseso.

Mahalaga aniyang maayos ang anumang pagkakautang sa GSIS upang pagsapit ng pagriretiro sa edad na 60 ay may matanggap silang pensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.