Local News

Mga dumadalaw sa sementeryo unti- unting dumagsa sa bisperas pa lang ng Undas

CAMARINES NORTE- Bukas na uli ang mga sementeryo para sa paggunita ng Undas na dalawang taong isinarado dahil sa COVID- 19 pandemic.

Sa bisperas pa lang ng Undas ay unti- unti nang dumagsa ang mga nagnanais na mabisita ang puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao.

Bitbit ng mga ito ang bulaklak, kandila at mga gamit pang linis sa mga puntod.

Umaga pa lamang sa Risen Christ Memorial Park sa Barangay Mancruz dito sa bayan ng Daet ay marami na ang bumisita.

Ganito rin ang sitwasyon sa Basud Public Cemetery na sa bisperas pa lang ng Undas ay marami na rin ang bumisita.

Sa bungad pa lang ng sementaryo ay may mga naka- deploy na police personnel na ang iba ay augmentation mula sa Regional at Provincial Mobile Force.

Kasama ng kapulisan ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, MDRRMO, BarangayTanod at force multiplier

May mga naka- deploy ding medical team sa bungad ng sementaryo para umalalay sakaling magkaroon ng emergency.

Maaari ding magpa- Blood Pressure sa mga nakatalagang help desk.

Buhay na rin uli ang tiangge at may mga naglagay din ng maliit na tindahan sa loob at labas ng sementaryo.

Sa St. Raphael Memorial Park sa bayan pa rin ng Basud ay hindi pa gaanong marami ang mga pumunta sa bisperas ng Undas.

Gayunman may mga naka- deploy na ring pulis, BFP at medical team.

Sa bungad ng sementaryo ay mayroong malalaking tarpaulin kung saan nakasulat ang mga tips para sa Ligtas Undas 2022.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago