Mga ebidensya sa umano’y ‘identiy theft’ sa pagkatao ng ‘Alice Leal Guo’ – dapat daw ipresenta sa Korte – Guo’s counsel

Pumalag ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa inilabas na NBI document na nagpapakita ng larawan ng isa pang babae na nagngangalan ding “Alice Leal Guo,” maging sa umano’y sinasabing identity theft.

Ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David, hindi nila sinasabing totoo ang naturang dokumento, at hindi rin daw nila sinasabing mali ito.

Pero para raw sa kanila, may proseso sila ng pag-validate ng mga dokumento.

Kapag ipinresenta rin umano ito sa husgado, i-e-examine nilang mabuti kung valid at genuine ito.

Ani David, kung ipa-file ang naturang document laban sa kanila, haharapin nila ito sa ‘proper forum.’

Mahirap daw kasi kung puro public trial na lang ang nangyayari.

Samantala, naniniwala ang kampo ni Guo na manipulated ang dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *