Mga empleyado ng CNPH pinaalalahanan sa tamang pag segregate ng basura

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang mga empleyado nito na i-manage ng maayos ang kanilang mga basura sa pamamagitan ng tamang segregation.

Sa flag raising ceremony nitong Lunes, July 31, pinuna ng pamunuan ng ospital ang tila pagkalimot na umano ng kanilang mga empleyado sa tamang pag-segregate ng basura.

Dahil dito may mga mag-iikot umano para makita ang aktuwal na ginagawa ng iba’t- ibang section kung paano ng mga ito mina-manage ang basura sa loob ng kanilang departmento.

Matatandaan na noon pang 2016 nang sinimulan ng CNPH ang mahigpit na waste segregation na ipinatupad ng mga sumunod pang namuno sa nabanggit na ospital.

Binigyang diin noon ng hospital management na importanteng magsimula ang disiplina sa bawat kawani upang maturuan din ang mga pumapasok dito ng tamang pagtatapon ng basura.

Taong 2017 naman ng maglabas ng mas mahigpit na paununtunan hinggil sa mga hindi dapat na ipasok sa loob ng ospital.

Ipinagbawal ang pagdadala mga diaper at under pads, plastic bottle, mga inumin o pagkain na in-can at Styrofoam na lalagyan ng pagkain mula sa labas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *