Mga empleyado ng Naga City LGU na nangangampanya ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections binalaan

NAGA CITY – Nagpalabas ngayon ng paalala ang LGU-Naga sa kanilang mga empleyado na iwasan sana ang pagsama-sama sa pangangampanya sa mga kandidato sa Barangay at Sk Elections, ilan kasi sa mga ito nai-report na sa opisina ng Alkalde.   

Mananagot ang mga empleyadong ito, na kailangan ay panatilihin ang pagiging non-partisan.

Ito ang inilabas na paalala ngayong umaga sa ginawang regular na flag raising ceremony sa City Hall ground ni City Administrator Elmer Baldemoro.

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga sinabi ni Baldemoro na may mga empleyado ng city hall ang nakikitang nangangampanya sa kanilang gustong kandidato sa kani-kanilang barangay na mahigpit pinagbabawal ng Commission on Elections at ng Civil Service Commission.

Nakarating na sa kanilang opisina ang senaryong ito, kaya kailangan na tigilan na ng mga empleyado kung ayaw nilang mabigyan ng penalidad.

May plano aniya na rin silang kausapin ang mga ito para personal na balaan, ayon sa opisyal.

Sa ngayon, tuloy din ang pag-obserba nila sa galawan ng mga kandidato at hangad nila na matapos ang halalan sa matiwasay na pamamaraan.             

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *