Mga empleyado ng SM City Cauayan, sumailalim sa seminar kaugnay sa pagtugon sa mga customer na may special needs

Nagsagawa ng online seminar ang SM City Cauayan sa mga empleyado nito kaugnay sa mga pamamaraan kung papaano matutugunan ang mga customer na may disabilities at special needs.

Sa pamamagitan ng SM Cares program on Persons with Disabilities, layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng kaalaman ang mga empleyado ng mall sa pagbibigay ng quality service sa mga naturang indibidwal at safe environment para sa kanila.

Kabilang sa naging resource speaker ay sina Arch. Jaime Silva ng United Architects of the Philippines, Committee on Accesibility, Ms. Lita Evangelista ng Tahanang Walang Hagdan at Sebastien Saflor, ang founder of Hard of Hearing Philippines.

Nagbahagi ang mga ito ng ilang tips kung papaano i-handle ang mga customers na may mobility at movement impairments, visual impairments at hirap sa pagdinig.

Samantala, nakatakdang magsagawa rin ng seminar ang iba pang batch ng mall frontliners sa July 28 at sa September naman para sa mga tenants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *