Local News

Mga empleyadong tinamaan ng Covid-19 habang nasa trabaho, may benepisyong makukuha sa DOLE-ECC

BICOL—Bukas ang Employees Compensation Commission (ECC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol para sa mga empleyadong nadapuan ng COVID-19 na nais mag avail ng asistensya.

Ayon kay Yvette Bonavente, focal person ng ECC Region V, Pebrero 2021 nang muli itong buksan para sa mga aplikante matapos pansamantalang suspendihin noong Setyembre 2020.

Kwalipikado sa tinatawag na Special EC benefits na ito ang mga empleyadong tinamaan ng COVID-19 habang nasa performance ng kanilang trabaho.

Kailangan lamang nilang iprisinta ang kanilang swab test result na nagpapatunay na nagpositibo sila sa sakit, Certificate of employment at patunay na nakuha ang sakit habang nasa trabaho at EC logbook o ang record ng kumpanya na nagsasabing tinamaan ng COVID ang isang empleyado.

Pero ang Social Security System (SSS) pa rin umano ang nag-aapruba ng application para rito dahil nasa kanila ang record ng mga empleyado at employer.

Oras na maaprubahan ay saka lamang ang mga ito pupunta sa tanggapan ng ECC para maproseso ang benepisyo.

Paliwanag ni Bonavente, may COVID man o wala ay mayroong nakukuhang benepisyo mula sa kanilang tanggapan ang mga empleyadong nagkasakit habang nagtatrabaho pati na ang namatay o naaksidente habang nasa trabaho.

Nagkaroon lamang umano ng special assistance para sa mga nadapuan ng coronavirus ngayong mayroong pandemya.

Hanggang nitong Enero 2021, nasa 11 umanong empleyadong tinamaan ng COVID-19 ang nabigyan ng special assistance na ito ng kanilang tanggapan o iyong mga nakahabol sa application bago ito isinara noong nakaraang taon.###

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago