Mga establisyemento sa lungsod hindi susunod sa mga guidelines ng IATF, binalaan!

NAGPAALALA ngayon si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi sa mga establisyemento sa lungsod na iwasang lumabag sa mga ipinatutupad na guidelines ng City IATF.

Sa pahayag ng alkalde sa kanyang public address nitong Sabado, mahigpit pa rin ang paalala nito sa mga owner ng mga restaurant, convention center at ilan pang mga commercial establishment sa lungsod na nananatiling nasa General Community Quarantine ang Cotabato City.

Limitado lamang ang pinapayagang lumahok sa ilang mga pagtitipon lalo na at nakarating sa kaalaman ng City IATF na ilan sa mga ito ay hindi na sumusunod sa mga minimum health protocol.

Sa oras anya na mapatunayan na mayroong mga restaurant sa lungsod ang lumabag ay hindi magdadalawang isip ang Lokal na Pamahalaan na ito ay ipasara.Samantala sa mga nais magkaroon ng pagtitipon, seminars at iba pa kinakailangan munang kumuha ang mga ito ng clearance sa City Government at ito ay nakapaloob sa bagong E.O na kanyang inilabas kamakailan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *