MGA ESTUDYANTE SA COASTAL TOWN NG ISABELA, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Aabot sa 526 na mga mag-aaral mula sa Maconacon at Divilacan, Isabela ang nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DSWD Region 2, mula sa Maconacon ay mayroong 238 na benepisaryo habang nasa 288 naman ang mula sa Divilacan, Isabela.

Ang nasabing tulong pinansyal para sa mga mag-aaral ay ibinibigay sa mga kwalipikadong benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ito ay karagdagang educational assistance para sa mga estudyante upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Tinanggap ng mga magulang ng mga benepisaryong mag-aaral ang tulong pinansyal kung saan aaboy sa P526,000 ang kabuoang pondo na naipamahagi.

Bukod naman sa tulong pinansyal ay nagbigay rin ng namahagi rin ang kagawaran ng tulong medikal sa mga residente sa nasabing coastal town.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *