Mga estudyante sa isang paaralan sa Camarines Sur puwede nang hindi mag uniform dahil sa init ng panahon

NAGA CITY –Puwedeng huwag na munang magsuot ng uniporme ang mga estudyante sa isang paaralan sa Tigaon, Camarines Sur.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Emerald Joy Papa Esmenda, Guro sa Huyonhuyon National High School.

Alas 8:00 ng umaga pa lang kasi halos maligo na sila sa pawis dahil sa sobrang init, bagamat may mga electric fan naman sa silid mainit pa rin, kahit na half day na lamang ang pasok ng mga bata mainit pa rin sa pag-uwi lalo na’t ang ilan sa mga ito naglalakad lang.

White t-shirt pa rin at pants, ang maaaring suotin, huwag lamang mga sleeveless at shorts.

May mga water jog na rin na provided sa mga silid.

Matatandaan rin na hindi na mandatory ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan matapos ihayag ni Department of Education Secretary at Vice President, Sara Duterte sa pagsisimula pa lamang ng academic year 2022-2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *